Tatlo ang naitalang sugatan sa naganap na aksidente sa bahagi ng Tiaong – Dolores Road, Brgy. Bulakin, Tiaong, Quezon, kahapon.
Base sa imbestigasyon, nag-overtake umano ang jeep sa isang sasakyan ngunit bigla kumaliwa ang isang utility van na nasa unahan kaya ito nabangga.
Sa lakas ng impact ay tumagilid sa highway ang utility van at nagkalat ang mga paninda nitong tinapay. Nagtamo ng minor injury ang tatlong sakay ng utility van.
Nagka-aregluhan naman ang dalawang partido.