Personal na nakipagpulong si Governor Doktora Helen Tan kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara nitong Lunes, Marso 30, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapalakas ang kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral sa lalawigan. 

Layunin ng nasabing pagpupulong na higit pang pagtibayin ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at ng DepEd, lalo na sa mga programang may kaugnayan sa pagsasaayos ng mga pasilidad sa paaralan at pagtatayo ng karagdagang silid-aralan.

Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa DepEd upang matiyak ang mas maayos, ligtas, at komportableng kapaligiran sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan. 

Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na matugunan ang mga kakulangan sa sektor ng edukasyon, kabilang na ang kakulangan sa silid-aralan na matagal nang hamon sa maraming pampublikong paaralan sa bansa. 

Sa kasalukuyan, patuloy ang mga reporma ng DepEd upang mapabilis ang pagtatayo ng mga bagong classroom at matugunan ang backlog sa imprastraktura ng edukasyon. 

Sa pamamagitan ng patuloy na koordinasyon ng lokal at pambansang pamahalaan, inaasahan na mas mapapabuti pa ang mga pasilidad at programang pang-edukasyon para sa mga Quezonian na mag-aaral.

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved