Patay ang dalawang lalaki matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Maharlika Highway, Brgy. San Isidro, Atimonan, Quezon, kahapon ng madaling araw, ika-5 ng Abril, bandang alas-3:30.
Batay sa imbestigasyon, lulan ng motorsiklo ang mga biktima patungong Plaridel, Quezon nang mawalan ng kontrol ang drayber sa isang kurbadang bahagi ng kalye. Dahil dito, bumangga ang sasakyan sa bakod ng isang bahay sa gilid ng highway.
Napag-alaman na kapwa walang suot na helmet ang mga biktima na nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo at katawan. Isinugod pa sila sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Sa kasalukuyan, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasawi dahil wala silang dalang anumang pagkakakilanlan o ID nang mangyari ang aksidente.
Photos courtesy: Quezon PPO