Kinilala bilang nangungunang himpilan ng pulisya sa “Class B” Municipal Level ang Mauban Municipal Police Station (MPS) matapos nitong makamit ang Top 1 sa Unit Performance Evaluation Rating (UPER) sa ilalim ng Key Result Areas of Operations para sa buwan ng Abril 2026.
Sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Hubert Reuben D Jabrica, tumanggap ang naturang himpilan ng Certificate of Commendation bilang pagkilala sa mahusay nitong pagganap at epektibong pagpapatupad ng mga tungkulin sa serbisyo publiko.
Iginawad ang pagkilala nina PBGEN Hansel M Marantan at PCOL Romulo A Albacea sa isinagawang seremonya sa Camp BGen Guillermo Nakar, Lungsod ng Lucena.
Ayon sa Mauban MPS, ang naturang tagumpay ay bunga ng dedikasyon, disiplina, pagtutulungan, at matibay na pamumuno sa hanay ng kapulisan ng bayan. Ipinapakita rin umano nito ang kanilang patuloy na pagsasabuhay ng integridad, propesyonalismo, at pagkakaisa sa pagtupad sa kanilang mandato.
Nagpasalamat din ang Mauban MPS sa patuloy na suporta ng Lokal na Pamahalaan nh Mauban sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Ninong Erwin Pastrana para sa mga programa at misyon ng himpilan.
