Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026, nagtungo ang mga mahigit pitumpung (70) volunteer employee ng SM City Lucena sa Dalahican Elementary School upang tumulong sa paghahanda ng paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Sa pamamagitan ng sama-samang paglilinis, pagsasaayos, at iba pang gawaing pampaaralan, ipinakita ng mga empleyado ang kanilang suporta sa pagsusulong ng dekalidad at maayos na kapaligiran sa pagkatuto para sa mga mag-aaral.

Ayon sa pamunuan ng SM City Lucena, ang naturang inisyatiba ay bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya sa edukasyon at pag-unlad ng komunidad sa pamamagitan ng SM Cares.

Sa ilalim ng temang “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman,” layunin ng Brigada Eskwela na pagtibayin ang pakikipagtulungan ng mga paaralan, pribadong sektor, at iba pang stakeholder upang matiyak ang ligtas, maayos, at kaaya-ayang learning environment para sa mga mag-aaral. Dagdag pa ng SM, ang mga makabuluhang gawaing tulad nito ay bahagi ng mas malawak nitong pangako sa nation-building at paglilingkod sa mga komunidad na kanilang pinagsisilbihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved