LUCENA CITY — Sumuporta si Mayor Mark “Kuya Mark” Alcala sa isinagawang Regional Stable Internal Peace and Security Declaration o SIPS at Renewal of SIPS Commitment ng mga lalawigan ng CALABARZON noong Hunyo 12 sa Quezon Convention Center.

Dinaluhan ang programa nina Department of the Interior and Local Government Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla, National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Executive Director Usec. Ernesto Torres Jr., Quezon Governor at Regional Peace and Order Council Chairperson Dr. Angelina “Helen” Tan, Vice Governor Anacleto Alcala III, at DILG Region IV-A Director Ariel Iglesia.

Dumalo rin sa aktibidad ang iba pang public officials, mga miyembro ng local peace and order council, kinatawan ng regional governors, national government agencies, gayundin ang pamunuan ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines Southern Luzon Command, at Philippine Army Reserved Command.

Tinanggap nina Mayor Alcala at DILG Lucena Director Leandro Gigantoca ang SIPS Seal bilang pagkilala sa patuloy na pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa Lungsod ng Lucena.

Kasabay nito, idineklara rin ang CALABARZON bilang “Insurgency Free,” na nagpapakita umano ng patuloy na pagtutulungan ng lokal at nasyunal na pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon.

Lumagda rin si Mayor Alcala sa pledge of commitment kasama ang iba pang opisyal bilang pagpapakita ng suporta sa mga programa para sa ligtas, mapayapa, at maunlad na komunidad.

Naging makabuluhan ang naturang programa dahil isinabay ito sa paggunita ng ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved