Bilang pakikiisa sa paggunita ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2026, nagsagawa ang Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (QPDRRMO), sa pangunguna ni PDRRMO Head Dr. Melchor P. Avenilla Jr., ng dalawang araw na Static Display sa ika-3 palapag ng Pacific Mall Lucena City noong Hulyo 16 at 17 upang palawakin ang kaalaman ng publiko hinggil sa kahalagahan ng kahandaan sa sakuna.

Tampok sa isinagawang exhibit ang iba’t ibang kagamitan na ginagamit sa disaster preparedness at emergency response, kabilang ang first aid kit, fire extinguisher, life vest, rescue rope, emergency go bag, flashlight, portable radio, at iba pang mahahalagang kagamitan na maaaring magamit sa oras ng kalamidad.

Bukod sa mga kagamitan, nagkaroon din ng information campaign tungkol sa tamang paghahanda bago, habang, at pagkatapos ng sakuna. Itinuro rin sa mga bumisita ang mga pangunahing kaalaman sa Basic Life Support (BLS), first aid, at emergency preparedness upang maging mas handa ang bawat indibidwal sa oras ng emerhensiya.

Ayon sa QPDRRMO, layunin ng aktibidad na hikayatin ang bawat Quezonian na magkaroon ng sapat na kaalaman at kahandaan laban sa iba’t ibang panganib at kalamidad, bilang bahagi ng pagsusulong ng isang ligtas, matatag, at disaster-resilient na komunidad.

Nakiisa rin sa programa ang iba’t ibang katuwang na ahensya at pribadong organisasyon tulad ng Philippine Army, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard, Rescue 8, Dragoncom Trading Corporation, D&F Outdoor Packable Hammock, REVLV Solution Inc., Arayem Trade, at iba pang exhibitors na nagpakita ng mga kagamitan at teknolohiyang ginagamit sa disaster response at rescue operations.

Ang pagdaraos ng static display ay bahagi ng paggunita sa National Disaster Resilience Month tuwing Hulyo alinsunod sa Executive Order No. 29, s. 2017, na naglalayong isulong ang kultura ng kahandaan at katatagan ng mga komunidad sa harap ng iba’t ibang uri ng sakuna at kalamidad sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved