Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-65 Charter Anniversary ng Lucena City, nakiisa ang SM City Lucena sa isinagawang Annual Tree Planting Activity ng Pamahalaang Panlungsod sa Barangay Mayao Castillo nitong Biyernes, Agosto 14.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang mga luntiang espasyo sa lungsod at palakasin ang sama-samang pagkilos para sa isang mas malinis, mas luntian, at mas napapanatiling komunidad.

Sa isinagawang pagtatanim, nasa 300 punla ng calamansi at 15 punla ng niyog ang naitanim bilang ambag sa patuloy na pangangalaga sa kalikasan at pagpapaunlad ng mga pampublikong lugar sa Lucena.

 

Pinangunahan ang aktibidad nina Sangguniang Panlungsod Committee Chairman on Tourism, Culture and Arts Councilor Patrick Nadera, OIC-City Tourism Officer Marianne Yap-Gallardo, Tourism Adviser Arween Flores, at Annual Tree Planting Chairperson Dexter Landicho.

Nakibahagi rin ang mga department heads at kawani ng Pamahalaang Panlungsod, Sangguniang Barangay ng Mayao Castillo, mga uniformed personnel, youth organizations, non-civic at private organizations, business sector, mga mag-aaral, at iba pang sektor ng komunidad.

Ayon sa SM City Lucena, ang pakikiisa nito sa tree planting activity ay bahagi ng patuloy nitong pagsuporta sa mga programang pangkalikasan at mga inisyatibang naglalayong magbigay ng mas maayos na kapaligiran para sa mga mamamayan.

“Bawat punong itinatanim ngayon ay hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan,” pahayag ng SM City Lucena bilang panawagan sa patuloy na pagkakaisa para sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang aktibidad ay nagsilbing hudyat ng pagsisimula ng Linggo ng Lucena 2026, kung saan muling ipinakita ng iba’t ibang sektor ang kanilang suporta sa mga programang naglalayong mapaunlad ang lungsod at mapanatili ang likas na yaman nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved