Pormal nang pinasinayaan nitong Martes, Setyembre 8, ang kauna-unahang Cultural Center project ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa Barangay Bukal, Pagbilao, Quezon.

Magsisilbing sentro ang bagong pasilidad para sa mga pagtatanghal, eksibisyon, pagsasanay at iba pang gawaing may kaugnayan sa kultura at sining.

Layunin nitong magkaroon ng maayos at angkop na espasyo ang mga residente ng Pagbilao at karatig-lugar para sa pagpapahalaga at pagpapaunlad ng mayamang kultura at sining ng lalawigan.

Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang pagpapasinaya kasama si Vice Governor Third Alcala at mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao sa pangunguna nina Mayor Angelica Portes at Vice Mayor Wally Dapla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved