Nagsagawa ng 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ang SM City Lucena ngayong Setyembre 10, bilang bahagi ng kampanya para mapalakas ang kahandaan ng publiko sakaling magkaroon ng malakas na lindol.

Isinagawa ang drill sa ilalim ng patnubay ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Lucena, Lucena City Police Station (PNP), at Lucena City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Layunin ng aktibidad na masanay ang mga empleyado, tenant at iba pang nasa loob ng establisimyento sa tamang hakbang sa panahon ng lindol, kabilang ang agarang paglikas patungo sa ligtas na lugar.

Bahagi ito ng patuloy na paghahanda ng mga ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor upang matiyak ang maagap at organisadong pagtugon sa oras ng sakuna

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved