Isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa dredging ng Agos at Bantilan Rivers bilang hakbang laban sa malawakang pagbaha sa bayan.

Pinangunahan ang paglagda nina Infanta Mayor L.A. Ruanto, DPWH Regional Director Carolina D. Pastrana na kinatawan ni Director Toribio Noel L. Ilao ng DPWH Bureau of Equipment, at District Engineer Rodel O. Florido ng Quezon 1st District Engineering Office.

Sa ilalim ng kasunduan, sasagutin ng DPWH ang operasyon ng dredging, kabilang ang pagpapadala ng mga kinakailangang kagamitan tulad ng amphibious excavator.

Layunin ng proyekto na ayusin at palawakin ang daluyan ng tubig sa Agos at Bantilan Rivers upang makatulong na mabawasan ang panganib ng pagbaha, partikular sa mga lugar na madaling maapektuhan ng pag-apaw ng ilog.

Ayon kay Mayor Ruanto, mahalaga ang pagtutulungan ng pamahalaang nasyonal, pamahalaang panlalawigan at lokal na pamahalaan upang mapalakas ang mga hakbang sa pag-iwas sa baha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved