Umabot sa 419 fur parents at kanilang mga alagang hayop ang napagsilbihan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian bilang bahagi ng Handog sa Pangulo 2026.

Isinagawa ang libreng serbisyong beterinaryo noong Setyembre 15, 2026 sa Perez Park, Capitol Compound, kung saan isinagawa ang anti-rabies vaccination, deworming, konsultasyon at pamamahagi ng libreng gamot para sa mga alagang hayop.

Sa kabuuan, 353 alagang hayop ang nabakunahan laban sa rabies, habang 434 na hayop naman ang nabigyan ng libreng konsultasyon at gamot.

Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, mahalagang hakbang ang mga serbisyong ito upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga alagang hayop at makatulong sa pagpapanatili ng mas ligtas at malusog na komunidad para sa mga fur babies at kanilang mga pamilya.

Patuloy namang isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ang mga programang nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan at iba pang suporta sa mga Quezonian, kabilang ang pangangalaga sa kanilang mga alagang hayop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved