Pinalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kababaihan sa fish processing sa pamamagitan ng isinagawang Training on Sardine Processing noong Setyembre 17, 2026 sa Mulanay, Quezon.

Lumahok sa pagsasanay ang mga miyembro ng Samahan ng Kababaihan ng Patabog at mga kababaihan mula sa Barangay Ibabang Yuni, na tinuruan ng mga praktikal na pamamaraan sa paggawa at pagproseso ng sardinas.

Naging bahagi ng aktibidad ang mga kinatawan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) – Fisheries Division, sa pangunguna ni Agricultural Technologist Razel S. Pita, kasama sina Normita Corpuz at Laica Maňago.

Bukod sa pagkatuto ng teknikal na kasanayan, layunin ng pagsasanay na maipakita sa mga kalahok ang fish processing bilang potensyal na mapagkukunan ng dagdag na kita at kabuhayan.

Inaasahang magagamit ng mga kalahok ang kanilang natutunan upang makalikha ng mga produktong maaaring ibenta, makatulong sa kita ng kanilang pamilya, at makapagbukas ng oportunidad para sa maliliit na livelihood enterprise sa kanilang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved