LUCENA CITY, QUEZON — Nakiisa ang Therma Luzon, Inc. (TLI), isang subsidiary ng AboitizPower, sa Department of Labor and Employment (DOLE), Quezon Tripartite Industrial Peace Council (QPITIPC), at iba pang katuwang na ahensiya ng pamahalaan sa pagsuporta sa mga batang nakaranas ng child labor sa pamamagitan ng Project Angel Tree sa Quezon Province.

Ginanap ang programa noong Setyembre 23, 2026 bilang bahagi ng paggunita sa ikapitong taon ng institusyonalisasyon ng National Council Against Child Labor (NCACL). Pinagbuklod nito ang mga katuwang mula sa pamahalaan at pribadong sektor upang higit na palawakin ang kamalayan at suportahan ang mga pagsisikap para sa pag-iwas at tuluyang pagpuksa sa child labor.

Dinaluhan ang aktibidad ng 100 child labor survivors at kanilang mga pamilya mula sa iba’t ibang bahagi ng Quezon. Kabilang sa mga isinagawa ang mga learning session tungkol sa child protection at mga batas laban sa child labor, Information and Services Caravan, at pamamahagi ng mga regalo.

Bilang isa sa mga “Angel” ng proyekto, nagbigay ang TLI ng 100 bag na naglalaman lamang ng raincoat at hygiene kit para sa mga bata. Nagbahagi rin ang AboitizPower ng impormasyon tungkol sa mga scholarship opportunity upang ipakita kung paano maaaring makatulong ang edukasyon sa pagtupad ng kanilang mga pangarap.

“Kaisa kami ng DOLE sa adbokasiya nitong protektahan ang mga bata laban sa child labor. Kaya isang karangalan para sa TLI na suportahan ang Project Angel Tree at sana’y makatulong na maibsan ang ilan sa mga hamong kinakaharap ng mga bata at kanilang pamilya,” ani Lou Jason Deligencia, AboitizPower Transition Business Group AVP for Corporate Services for South Luzon and Metro Manila.

Nagpasalamat si Ma. Angelique E. Yaun, Supervising Labor and Employment Officer ng DOLE Technical Support and Services Division – Employment Promotion and Workers’ Welfare (TSSD-EPWW), sa mga katuwang mula sa pribadong sektor para sa kanilang suporta sa adbokasiya.

“Sa tulong ng programa ng ating pamahalaan at sa tulong na rin po ng ating mga katuwang mula sa pribadong sektor, sama-sama po nating gawan ng paraan upang puksain itong ating usapin sa child labor,” ani Yaun.

Bukod sa pagbibigay ng maaasahang at responsableng kuryente, patuloy na tumutulong ang TLI sa kabataang Pilipino sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga programang nagtataguyod ng kanilang kapakanan, edukasyon, at pag-unlad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved