Isinusulong ni Quezon 4th District Representative Atty. Mike Tan ang patas at responsableng paggamit ng internet at social media sa panahon ng halalan sa pamamagitan ng House Bill No. 657.

Tinalakay ang panukala sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, na naglalayong magtakda ng mas malinaw na patakaran sa online campaigning at political advertisements.

Kabilang din sa panukala ang mga hakbang laban sa disinformation at online harassment, gayundin ang pagpapalakas ng transparency at accountability ng mga digital platform.

Ayon kay Tan, mahalagang makasabay ang mga batas sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya dahil malaking bahagi na ng pagpapalitan ng impormasyon at pampublikong diskurso ang nagaganap sa internet at social media.

Layunin ng panukala na matiyak na ang mga botante ay makakakuha ng tama, mapagkakatiwalaan at beripikadong impormasyon bilang gabay sa kanilang mga desisyon sa halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved