Nagmistulang parada ng mga makukulay at malikhaing karakter ang daan-daang bata para sa Trick or Treat sa SM City Lucena nitong Sabado, Oktubre 31, 2026.
Ipinamalas naman ng mga batang kalahok sa Spooktacular Halloween Costume Contest na ginanap sa The Event Center ang kanilang pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagsusuot ng iba’t ibang Halloween costumes, mula sa mga cute at nakakatuwang karakter hanggang sa mga nakakatakot at kakaibang kasuotan.
Naging tampok sa aktibidad ang masiglang pagpapakilala ng mga kalahok sa kani-kanilang costume, na naghatid ng saya at di-malilimutang karanasan para sa mga bata at kanilang pamilya.
Kinilala rin ang mga nagwagi sa paligsahan dahil sa kanilang natatanging konsepto, malikhaing disenyo at kahanga-hangang pagpapakita ng kani-kanilang Halloween characters.
Layunin ng naturang aktibidad na bigyang pagkakataon ang mga bata na maipamalas ang kanilang talento at imahinasyon habang nagkakaroon ng masayang bonding moments kasama ang kanilang pamilya bilang bahagi ng pagdiriwang ng Halloween.
