Ipinakita ni Governor Doktora Helen Tan ang paggamit ng bagong Queuing System sa Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center (QPHN-QMC) nang bumisita dito kahapon, Pebrero 18.
 
Ang naturang sistema ay naglalayong ayusin at kontrolin ang pila ng mga pasyente upang maging mas maayos, mas mabilis, at mas organisado ang pagbibigay ng serbisyong medikal.
 
Ayon sa gobernador, malaking tulong ito upang mabawasan ang mahabang paghihintay at mapahusay ang karanasan ng mga pasyente sa ospital.
 
Bukod sa pagpapakilala ng bagong sistema, binisita rin ni Tan ang mga ginagawang pasilidad sa loob ng QPHN-QMC, kabilang ang emergency room at ang itinatayong dialysis center. Inaasahan na ang mga ito ay magpapalawak ng access sa maagap at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng lalawigan.
 
Ipinakita rin sa pagbisita ang Mental Health Unit ng ospital na bukas mula Lunes hanggang Biyernes. Layunin nitong magbigay ng agarang tulong at suporta sa mga pasyenteng nangangailangan ng konsultasyon at serbisyong pangkalusugang pangkaisipan.
Patunay umano ang mga hakbang na ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan na mapaangat ang kalidad ng serbisyong medikal para sa bawat Quezonian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved