Ayon sa imbestigasyon, sakay sa motorsiklo si alyas Renz na may kasamang angkas. Pagdating sa kurbadang daan ay nawalan ito ng control at sumalpok sa kasalubong na tricycle. Bumangga pa ang tricycle sa isang jeep.
Walo ang naitalang nasugatan sa aksidente. Dalawa mula sa motorsiklo, driver ng tricycle at lima nitong pasahero. Ligtas naman ang driver ng jeep.
Dinala lahat sila sa ospital para gamutin. Bukas naman ang mga partido sa aregluhan.