Nakiisa ang 4K Partylist sa selebrasyon ng National Women’s Month sa pamamagitan ng pagsasagawa ng libreng Zumba activity para sa mga kababaihan sa Barangay 3 at Barangay 7 sa Lucena City nitong Sabado, Marso 14, 2026.
Ang aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang na may temang “We for Gender Equality and Inclusive Society,” na naglalayong palakasin ang kamalayan at pakikiisa ng komunidad sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at inklusibong lipunan.
Dumalo at nakilahok sa nasabing programa si Bokal Doc Kim Tan ng ikalawang distrito at Angelica Denise Quina, 2nd District Coordinator ng 4K Partylist.
Bukod sa libreng Zumba, nagkaroon din ng libreng gupit at kulay ng buhok para sa mga kababaihan sa pakikipagtulungan ng 4K Partylist at ng Jhelinees Salon D’ Paris.
Ayon sa mga organizers, layunin ng naturang aktibidad na mabigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan na pangalagaan ang kanilang kalusugan at kagandahan habang ipinagdiriwang ang kanilang mahalagang papel sa komunidad.
