Matagumpay na isinagawa kamakailan ang kauna-unahang CALABARZON Corn Derby sa Sitio Rasak, Barangay Manggalang Bantilan, na dinaluhan ng mga magsasaka ng mais, Agricultural Extension Workers (AEWs), mga municipal at city agriculturists, at iba pang stakeholders mula sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.

Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DA CALABARZON Corn Program, Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ng Quezon, at ng Quezon Provincial Corn Producers Federation. Nakibahagi rin sa programa ang limang seed companies at anim na fertilizer companies na nagpakita ng kani-kanilang teknolohiya at produkto.

Layunin ng Corn Derby na maipakita ang mga uri ng binhi ng mais na angkop sa lokal na kondisyon at may kakayahang magbigay ng mataas na ani. Ipinakita rin sa aktibidad ang performance ng iba’t ibang biofertilizers na maaaring magsilbing alternatibo sa synthetic fertilizers, na isa sa mga pangunahing dahilan ng mataas na gastos sa produksyon.

Inaasahang makatutulong ang naturang inisyatibo sa pagpapalakas ng produksyon ng mais sa rehiyon at sa pagbibigay ng mas maraming opsyon sa mga magsasaka upang mapababa ang gastusin at mapataas ang kanilang kita.   

Photos courtesy of the Office of the Provincial Agriculturist

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved