Inilatag ni Infanta Mayor Lord Arnel โL.A.โ Ruanto ang mga pangunahing programa, proyekto at serbisyong naisakatuparan sa ilalim ng LINGAP Agenda ng kanyang administrasyon sa unang isang taon ng panunungkulan sa kanyang Ulat sa Bayan 2026, na ginanap noong Agosto 29 sa Northern Quezon Auditorium, Infanta, Quezon.
Binigyang-diin ni Ruanto na nakasentro ang kanyang administrasyon sa pagtatatag ng isang bukas, inklusibo at people-centered na pamahalaan, na may layuning mapabuti ang buhay ng bawat Infantahin.
Sa kanyang ulat, sinabi ng alkalde na kabilang sa pangunahing direksyon ng kanyang administrasyon ang ๐ocal economic development, livelihood, education, ๐nfrastructure and sustainable development, ๐กature conservation, health and wellness, ๐ood governance, ethical leadership, ๐griculture and fisheries, cultural heritage, tourism, ๐ฃeace and order, disaster risk reduction management and social protection.ย
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐น๐ผ๐ธ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฒ๐ธ๐ผ๐ป๐ผ๐บ๐ถ๐๐ฎ
Kabilang sa binigyang-diin ni Ruanto ang pagpapalakas sa mga economic enterprise ng bayan, partikular ang Infanta Commercial Center (ICC) at Fish Port.
Ayon sa ulat, umabot sa P5.06 milyon ang kita ng ICC mula Hulyo 2025 hanggang Hunyo 2026, mula sa P4.60 milyon sa kaparehong panahon noong nakaraang taonโkatumbas ng 10.11% pagtaas.
Mas malaki naman ang iniulat na pagtaas sa Fish Port, mula P3.52 milyon tungo sa P7.79 milyon, o 121.63% pagtaas. Kasabay nito ang unti-unting pagsasaayos sa pisikal na pasilidad ng dalawang economic enterprise, kabilang ang paglalagay ng anti-skid matting, ilaw, parking area, CCTV, sariling water meters at dagdag na timbangan.
Inilahad din ng alkalde ang mga hakbang para maakit ang mga mamumuhunan, kabilang ang pagtatayo ng mga pasalubong center at pagpapaunlad ng mga lokal na produkto sa pamamagitan ng One Barangay, One Product.
Samantala, nakakuha ang bayan ng P7.1 milyong Sustainable Livelihood Program (SLP) support na nakinabang sa 539 benepisyaryo para sa iba’t ibang lokal na industriya, kabilang ang Infantap-ong, Infantapik, Infantasin, Catmon jelly and candy, suman sa gata, alak at suka sa sasa, at dried products.
๐๐ฑ๐๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป, ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ
Isa sa pinakamalaking hamon na tinukoy ni Ruanto ang kakulangan ng mga silid-aralan. Batay sa datos na kanyang iniulat, 74 classroom ang kulang sa 22 paaralan sa Infanta.
Bilang tugon, nakipagtulungan ang lokal na pamahalaan sa Department of Education, pribadong sektor at iba pang katuwang para sa konstruksyon at pagsasaayos ng mga classroom.
Kabilang dito ang renovation ng tatlong classroom sa Tongohin Elementary School, pagsasaayos ng dalawang classroom sa Binulasan Integrated School at konstruksyon ng isang classroom sa Dinahican Elementary School. Isinasagawa rin ang konstruksyon ng dalawang gusali na may walong classroom sa Infanta Central School sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.
Malaki rin ang naging pokus sa literacy. Mula sa 11% ng mga mag-aaral na nakakabasa at nakakaunawa ayon sa grade level, iniulat na umakyat ito sa 26 porsiyento matapos ang mga reading intervention program. Kabilang dito ang Teacher Ko ang Nanay at Tatay Ko, RISE-UP, Tara, Basa! at Teach One, Each One.
Naglaan din ang pamahalaang bayan ng educational assistance na umabot sa P8.026 milyon para sa 2,209 mag-aaral, habang mahigit 10,000 school supplies na ang naipamahagi sa mga kindergarten at elementary pupils.
๐ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐น๐๐๐๐ด๐ฎ๐ป
Sa sektor ng kalusugan, iniulat ni Ruanto ang dagdag na dalawang ambulansya, dalawang nurse at tatlong doktor bilang bahagi ng Health Service Delivery Network Program.
Dahil dito, 12,420 residente ang napaulat na nabigyan ng medical checkup sa Municipal Health Office, habang 324 naman ang nakinabang sa libreng nurse service.
Kabilang din sa mga serbisyong inilapit sa mga residente ang medical booth sa palengke, medical checkup at random blood sugar testing para sa senior citizens, medical missions at libreng chest X-ray.
Sa ilalim naman ng Lingap Agad Assistance Program, mula Agosto 2025 hanggang Agosto 2026, mahigit P3 milyon ang nailaan para sa medical assistance ng 1,970 benepisyaryo, habang mahigit P400,000 naman ang naibigay na burial assistance sa 95 benepisyaryo.
Sa nutrisyon, 208 preschool learners na may malnutrition sa Barangay Dinahican ang nabigyan ng serbisyo sa Nutrition Caravan. Napanatili rin ng Infanta ang pagkilala bilang Highest 2026 Operation Timbang Plus Awardee, habang isinagawa na rin ang groundbreaking ng Nutribun Production Center.
๐๐บ๐ฝ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฎ๐ธ๐๐๐ฟ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐ถ๐ฑ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ผ๐ป๐ฑ๐ผ
Binigyang-diin din ng alkalde ang paggamit ng construction by administration bilang paraan upang makatipid sa mga proyekto ng bayan.
Sa kanyang ipinakitang paghahambing, ang isang standard classroom na nagkakahalaga ng P3.4 milyon kapag contractor ang gumawa ay tinatayang P1.7 milyon lamang kapag administration ang nagsagawa. Sa road concreting naman, P3.1 milyon ang contractor cost kumpara sa P2.3 milyon sa administration, habang ang solar street light na P232,779 bawat set sa contractor ay nasa P92,397 naman kapag administration.
Upang mapalakas ang kakayahan ng lokal na pamahalaan na magsagawa ng sariling mga proyekto, bumili rin ito ng bagong heavy equipment kabilang ang road grader, dalawang vibratory road roller, dump truck, boom truck at manlift.
Kasama rin sa mga prayoridad ang mga solar streetlight, barangay infrastructure, pagpapahusay ng slaughterhouse at renovation ng municipal hall.
Samantala, nagpapatuloy ang konstruksyon ng bagong Infanta Municipal Hall, na sinuportahan ng mga pondong iniulat na nagmula sa mga senador at iba pang katuwang.
๐๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐๐๐ฟ๐ถ๐๐บ๐ผ ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป
Sa pangangalaga sa kapaligiran, iniulat ang 2,118.86 kilo o katumbas ng 42 sako ng basura na na-divert mula sa landfill sa pamamagitan ng Eco-Resiklo Program.
Mayroon na ring dalawang garbage compactor at isang garbage truck, habang ipinatupad ang Infantahin Bayanihan Day tuwing Sabado. Umabot na sa 6,165 volunteers ang lumahok sa ika-61 Sabadong Bayanihan.
Itinatag din ang Bantay Quarry and Mining Council of Infanta upang maprotektahan ang mga lugar na malapit sa flood control projects, dike at iba pang infrastructure projects.
Sa turismo, iniulat na umabot sa 1,353,434 tourist arrivals noong 2025, habang nakapagtala na ng 857,628 arrivals mula Enero hanggang Hunyo 2026.
Tumaas din ang MEUF collection mula P552,052 noong Hulyo 2024โHunyo 2025 tungo sa P1.87 milyon noong Hulyo 2025โHunyo 2026.
๐๐ผ๐ผ๐ฑ ๐ด๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐
Sa pamamahala, iniulat ni Ruanto ang pagpapatupad ng mga polisiya laban sa katiwalian, drug-free workplace, human resource reforms at capacity-building para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Kabilang dito ang EO No. 11 o Zero Tolerance Policy on Corruption, EO No. 10 para sa Drug-Free Workplace, at iba pang hakbang upang mapahusay ang organizational structure at serbisyo publiko.
Nakuha rin ng Infanta ang Seal of Good Financial Housekeeping 2025 mula sa Department of the Interior and Local Government, na ayon sa ulat ay patunay ng pagsunod ng bayan sa transparency, accountability at wastong paggamit ng pondo ng bayan.
๐ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ถ๐ด๐๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ฒ๐ด๐๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ ๐ฑ๐ถ๐๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ฑ๐ป๐ฒ๐๐
Sa peace and order, iniulat ng Infanta Police ang 100% crime clearance efficiency at 93.50% crime solution efficiency mula Setyembre 1, 2025 hanggang Agosto 26, 2026.
Ayon din sa ulat, 34 sa 36 barangay ng Infanta ang drug-cleared na hanggang Agosto 2026.
Pinalakas din ang paggamit ng digital platforms para sa public safety at mabilis na pagtugon sa reklamo at emergency. Sa Watch Safe App, naitala ang 1,485 medical emergencies at 504 vehicular accidents mula nang ilunsad ito.
Sa disaster preparedness naman, isinagawa ang Barangay Resilience and Innovation Through Empowerment (BRITE) training at inihahanda ang installation ng rain accumulation, heat index at flood monitoring sensors.
๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ๐ฟ
Binigyang-pansin din sa ulat ang mga programa para sa persons with disabilities, children with special needs, senior citizens at kabataan.
Sa 10-araw na Pedya Kamp Summer Camp, nasa 200 children with special needs ang nakasama, habang 4,669 libreng cake naman ang naipamahagi sa senior citizens mula nang ipatupad ang programa noong Enero.
Inilunsad din ang Local Youth Leaders program upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na matuto tungkol sa pamamahala at pamumuno sa lokal na pamahalaan.
Sa pagtatapos ng kanyang ulat, kinilala ni Ruanto na marami pang hamon at pagkukulang ang kailangang tugunan ngunit iginiit niyang hindi tumigil ang kanyang administrasyon sa paghahanap ng solusyon.
Aniya, ang progreso ng Infanta ay hindi bunga ng iisang tao kundi resulta ng pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan. Binigyang-diin din niya na hindi pa tapos ang kwento ng Infanta at marami pang proyekto, suliranin at pangarap ang kailangang harapin at isakatuparan sa mga susunod na taon.
