Tatlo ang sugatan sa naganap na aksidente sa pagitan ng motorsiklo at tricycle sa bahagi ng Dalahican Road ng Brgy. Mayao Crossing, Lucena City, Quezon, kahapon ng umaga. (Feb. 13 @ 8:00 am)
 
Ayon sa imbestigasyon, nasa unahan ang tricycle habang nasa likuran naman ang motorsiklo sakay ng maglive-in partner.
 
Pagdating sa nasabing lugar ay nag-overtake ang motorsiklo ngunit biglang nag- U-turn naman ang tricycle dahilan para magbanggaan ang dalawang sasakyan.
 
Sugatan ang driver ng tricycle at ang mag live-in partner.
Dinala sila sa ng mga rescuer sa ospital para gamutin.
Sa huli ay nauwi sa aregluhan ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved