Sugatan ang dalawang driver sa salpukan ng cargo delivery truck at double decker truck sa provincial road ng Brgy. Cabulihan Ilaya, Unisan, Quezon kahapon.
 
Base sa imbestigasyon, mula sa Pitogo ay papuntang Unisan Town Proper ang double decker truck at pagdating sa kurbadang daan ay nag-slide umano ang truck dahil sa basang daan.
 
Sakto namang paparating ang delivery truck sa kabilang linya kaya nagsalpukan ang dalawang sasakyan.
 
Sa lakas ng impact ay nawasak ang unahang bahagi ng parehong sasakyan.
 
Sugatan naman ang dalawang driver at dinala sa ospital para gamutin.
 
Bukas naman ang dalawang partido para sa aregluhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved