Tinatayang 1,500 residente mula sa lungsod ng Sta. Rosa, Laguna ang nakibahagi at tumanggap ng mga benepisyo at serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa isinagawang LAB For All Caravan na pinangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa Santa Rosa Multi-Purpose Complex ngayong Martes, Marso 24.

Bukod sa libreng laboratoryo, konsultasyon at mga gamot ay naghatid din ng libreng dental services ang Department of Health (DOH) katuwang ang iba pang mga tanggapan. Gayundin ay nagkaloob ng financial assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa lungsod kabilang na ang ilang mga senior citizens.

Nakiisa rin ang Department of Agriculture (DA) na nagbigay ng binhi at mga buto ng gulay, gayundin ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Chariry Sweepstakes Office (PCSO) at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Nagpaabot ng pasasalamat ang pamahalaang lungsod ng Sta. Rosa sa pangunguna ni Mayor Arlene Arcillas para sa tulong at benepisyong ipinagkaloob ng pamahaalang nasyunal sa mga mamamayan ng Sta. Rosa.

Magpapatuloy naman sa pag-ikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang LAB For All Caravan upang masigurong mas maraming Pilipino ang mabigyan ng akses sa mga serbisyo at benepisyo na ibinibigay ng pamahalaan. | via COP, ST, RZ/PIA-CALABARZON

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved