Naisakatuparan sa unang pagkakataon ngayong 2026 ang pagpapatuloy ng programang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa isla ng Cagbalete sa bayan ng Mauban at sa Brgy. Ibabang Polo sa bayan ng Pagbilao noong Abril 7 hanggang 8, sa inisyatiba ni Governor Doktora Helen Tan.

Hindi naging hadlang ang distansya at paglalakbay sa karagatan upang maihatid sa mga residente ang iba’t ibang libreng serbisyong pangkalusugan tulad ng medical consultation, libreng gamot, dental extraction, minor surgery, fasting blood sugar test, laboratory services, ultrasound, optical services, chest X-ray, electrocardiogram (ECG), at cervical screening.

Kaakibat ng nasabing programa, nagbigay rin ng tulong pinansyal ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa ilalim ng “STAN Kalinga sa Mamamayan, Tulong Pinansyal mula sa Kapitolyo.”

Nakiisa rin ang Office of the Provincial Veterinarian (ProVet) sa pamamagitan ng libreng serbisyong beterinaryo tulad ng pagbabakuna, spay at castration, at konsultasyon para sa mga alagang hayop.

Sa pagtutulungan ng medical team, mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, at mga lokal na pamahalaan, matagumpay na naihatid ang serbisyong medikal at tulong sa mga residente ng Mauban at Pagbilao. Layunin ng programang ito na maabot kahit ang mga malalayong komunidad upang mabigyan ng kinakailangang serbisyong pangkalusugan ang mga mamamayan.

Nakasama ni Governor Tan sa magkahiwalay na programa sina Vice Governor Third Alcala at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Mauban sa pamumuno ni Mayor Ninong Erwin Pastrana at mga opisyal ng Pagbilao sa pangunguna ni Vice Mayor Wally Dapla.

Photos courtesy of the  Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved