Dinagsa ng libo-libong job seekers ang isinagawang Summer Job Fair 2026 ng Lucena City Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang SM City Lucena ngayong Martes, Mayo 19, sa 3rd Floor Event Center ng nasabing mall.
Mahigit 2,000 bakanteng trabaho mula sa iba’t ibang kumpanya at employer ang inialok sa isang araw na aktibidad na naglalayong mabigyan ng oportunidad sa trabaho ang mga residente ng Lucena at mga karatig-bayan, kabilang ang mga fresh graduates at naghahanap ng summer jobs.
Lumahok sa job fair ang 16 na employer para sa local employment habang apat naman ang para sa overseas employment na nagbukas ng iba’t ibang oportunidad para sa mga aplikante. Nagsagawa rin ang mga kalahok na kumpanya ng paunang panayam at pagsusuri sa mga aplikante.
Ayon kay PESO Manager Maricar Nacorda, layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Lucena sa pangunguna nina Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Dondon Alcala na higit pang mapalakas ang employment services upang matulungan ang mga mamamayan na magkaroon ng hanapbuhay para sa kanilang pamilya at kinabukasan.
Kasabay nito, nakiisa rin ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng PhilHealth, Department of Information and Communications Technology (DICT), Pag-IBIG Fund, at Philippine Statistics Authority (PSA) upang magbigay ng serbisyo at tumulong sa pagproseso ng mga kinakailangang dokumento at iba pang transaksyon ng mga aplikante.