Ilayang Iyam, Lucena City nitong madaling araw ng Mayo 22, 2026.

Kinilala ang mga suspek na sina alias Rodel, 37 taong gulang, at alias Slight, 26 taong gulang, kapwa residente ng Purok 2, Brgy. Dalahican, Lucena City. Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-5:14 ng umaga nang magsagawa ng anti-illegal drugs buy-bust operation ang Intel at SDEU personnel ng Lucena CCPS sa Purok Pinagbuklod, Brgy. Ilayang Iyam, na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet at apat na heat-sealed transparent plastic bags na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 103 gramo. Tinatayang nagkakahalaga ito ng Php700,400 batay sa standard drug price at may tinatayang street value na Php2,101,200.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa custodial facility ng Lucena Component City Police Station habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved