PAGBILAO, QUEZON — Muling pinagtibay ng AboitizPower subsidiary na Therma Luzon, Inc. (TLI), Aboitiz Foundation, Inc. (AFI), mga pangulo ng lokal na samahan ng mangingisda, at ng Pamahalaang Bayan ng Pagbilao ang kanilang partnership sa opisyal na pagsisimula ng ikalawang taon ng “Alon at Ani” noong Mayo 22, 2026.
Tulad ng unang taon nito, layunin ng programa na magsilbing plataporma para sa bukas na talakayan hinggil sa mga hamon, pangangailangan, at mithiin ng komunidad ng mga mangingisda. Kabilang sa aktibidad ang storytelling, lokal na pagtatanghal, at mga konsultasyon na naglalayong maglatag ng pundasyon para sa mas pangmatagalang pagkilos.
Ngayong taon, pinalawak ng inisyatiba ang suporta nito sa higit 450 lokal na mangingisda bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa komunidad. Pinatitibay ng renewed partnership ang sama-samang commitment sa pagpapalakas ng sustainable livelihood, pagpapatibay ng ugnayan sa komunidad, at pangangalaga sa marine environment ng Pagbilao Bay.