Nakiisa ang SM City Lucena sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang makabuluhang Flag Raising Ceremony na isinagawa ngayong Hunyo 12, 2026 sa Open Parking A ng SM City Lucena.

Dinaluhan ang programa ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, law enforcement agencies, at pribadong sektor bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.

Kabilang sa mga panauhin si Executive Assistant IV Romano Talaga bilang kinatawan ni Quezon Governor Doktora Helen Tan; Arnel Avila bilang kinatawan ni Lucena City Mayor Mark Alcala; PLtCol Arvin De Asis bilang kinatawan ni Quezon Provincial Director PCol Romulo Albacea; at Commodore Marco Buena, Deputy Commander ng Southern Luzon Command, bilang kinatawan ni LtGen Cerilo Balaoro Jr. ng AFP Southern Luzon Command.

Nakibahagi rin sa seremonya ang mga kinatawan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Quezon District Jail, Philippine Coast Guard Southern Quezon, Lucena PNP, Bureau of Fire Protection-Lucena, Boy Scouts of the Philippines at Girl Scouts of the Philippines ng Quezon at Lucena, Department of Trade and Industry (DTI)-Quezon, Provincial Tourism Office, at si Patricia Ella Evangelista, Miss Universe Philippines 2026 – Quezon Province.

Pinangunahan naman ng mga opisyal ng SM City Lucena ang pagtitipon sa pangunguna nina Engr. John Jason Terrenal, Senior Assistant Vice President for Operations South Malls, at Mall Manager Engr. Russel Alegre, kasama ang mga mall affiliates at tenants.

Ang pagdiriwang ay bahagi ng sabayang paggunita ng mga SM malls sa buong bansa sa Araw ng Kalayaan, na naglalayong palakasin ang diwa ng nasyonalismo, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa kasaysayan ng bansa. 

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan,” na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kalayaang ipinaglaban ng mga bayani at sa pananagutan ng bawat Pilipino na pangalagaan ito para sa susunod na henerasyon. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved