Isinagawa ng security force ng SM City Lucena ang kanilang General Formation at Annual Inspection of Troops noong Hunyo 16 bilang bahagi ng pagpapatibay ng kahandaan, disiplina, at propesyonalismo ng mga security personnel na nakatalaga sa mall.

Pinangunahan ang aktibidad ni Rodel Tapay, CRS Regional Manager para sa South 5 Region, kasama sina Victor Glorioso III, CRS Manager; Ronnel Galam, Operations Manager ng Defense Specialist Security Agency Inc.; at Jovit Formento, Finance Operations Officer ng Vigilantes Security Inc.

Sa isinagawang inspeksyon, sinuri ang kaayusan ng uniporme, kagamitan, at kahandaan ng mga security guard upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa itinakdang pamantayan ng kumpanya at mga umiiral na regulasyon sa seguridad.

Bukod sa troop inspection, binigyan din ng pagkilala at commendation ang ilang security guard na nagpamalas ng katapatan, integridad, at dedikasyon sa kanilang tungkulin.

Ayon sa pamunuan, mahalaga ang pagkilala sa mga security personnel upang higit silang mahikayat na ipagpatuloy ang mahusay na paglilingkod at maging huwaran sa kanilang hanay.

Ang aktibidad ay bahagi rin ng patuloy na pagsisikap ng SM Supermalls na tiyakin ang kaligtasan ng mga mamimili at empleyado sa pamamagitan ng regular na pagsasanay, inspeksyon, at pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng mall management at mga security agency.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved