Isang mahalagang hakbang sa pagpapanatili ng makasaysayang Pamana ng Quezon — aprubado na sa antas ng Committee on Local Government ng Kamara ang House Bill No. 9147 o ang “Hermano Puli Act,” na naglalayong kilalanin, pangalagaan at higit na itampok ang kabayanihan at makasaysayang ambag ni Hermano Puli sa kasaysayan ng bansa.

Isa sa mga may-akda ng panukala si Assistant Minority Leader at 4K Party-list Representative Iris Montes, kasama sina 1st District Cong. Mark Enverga, 3rd District Cong. Reynan Arrogancia at 4th District Cong. Atorni Mike Tan.

Layunin ng panukala na kilalanin si Apolinario dela Cruz o mas kilala sa tawag na Hermano Puli bilang isa sa mga unang Pilipinong nagtaguyod at lumaban para sa kalayaan, pananampalataya at dignidad ng mga Pilipino.

Kabilang din sa isinusulong ng panukala ang pangangalaga sa mga makasaysayang lugar at monumentong may kaugnayan sa kanyang buhay, gayundin ang pagpapalawak ng kaalaman ng mga susunod na henerasyon hinggil sa kanyang mga ipinaglaban at ambag sa bayan.

Inaasahang makatutulong din ang pagkilala sa makasaysayang pamana ni Hermano Puli sa pagpapalakas ng pagkakakilanlan, kultura at turismo ng Lalawigan ng Quezon, bilang tahanan ng isa sa mga kinikilalang bayani ng kasaysayan ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved