Mahigit 260,000 Quezonian ang nakaahon mula sa kahirapan, isa sa pinakamalaking accomplishment na ipinagmalaki ni Governor Doktora Helen Tan sa kanyang ika-apat na State of the Province Address o Ulat sa Lalawigan 2026 nitong Agosto 17 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Quezon Governor Dr. Helen Tan delivers her State of the Province Address (SOPA) 2026 at the Quezon Convention Center in Lucena City on Monday, August 17, 2026, presenting key accomplishments and upcoming development programs for the province. (Photo courtesy: Doktora Helen Tan Official)

Ayon kay Gov. Tan, batay sa paghahambing ng poverty incidence ng lalawigan noong 2021 at 2023, makikita ang pagbaba ng bilang ng mga Quezonian na nasa kalagayang mahirapโ€”isang indikasyon aniya ng epekto ng mga programang ipinatupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng HEALING Agenda at Serbisyong Tunay at Natural (STAN).

Binigyang-diin ng gobernador na nakatuon ang kanyang administrasyon sa inklusibong pag-unlad, kung saan ang mga programa at proyekto ay inilaan para sa ibaโ€™t ibang sektor ng lalawigan.

๐—ž๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ

Malaking bahagi ng ulat ni Gov. Tan ang sektor ng kalusugan, partikular ang paglaban sa malnutrisyon at stunting.

Sa tulong ng mga Barangay Nutrition Scholar sa mga bayan ng Quezon, iniulat na napababa ng lalawigan ang prevalence ng malnutrisyon at bilang ng mga batang nakararanas ng stunting.

Itinutulak din ng gobernador ang pagkakaroon ng isang Healthy Quezon Province, kasabay ng layuning higit pang mapaunlad ang Quezon Medical Center bilang simbolo ng pagbabago sa serbisyong pangkalusugan.

Sa patuloy na pagpapatupad ng Universal Health Care Law, nakikinabang ang mga residente sa 15 Quezon Provincial Hospital Network sa No Balance Billing at No Out-of-Pocket policy.

Mahigit 51,046 residente na umano ang nakinabang mula sa programa, habang lumampas sa โ‚ฑ833 milyon ang halaga ng libreng serbisyong pangkalusugan na naihatid ng Quezon Medical Center.

๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜‚๐—ต๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป

Kasabay ng kalusugan, binigyang-diin ng gobernador ang malaking pamumuhunan ng lalawigan sa kabataan.

Inihayag niya ang pagsisimula ng STAN Post-Graduate Educational Assistance Program (PEAP) na magbibigay ng โ‚ฑ20,000 kada semestre sa mga kwalipikadong Quezonian na nais magpatuloy sa Masterโ€™s, Doctorate at iba pang post-graduate studies.

Kabilang sa pangunahing target ng programa ang mga pampublikong guro at empleyado ng pamahalaan sa lalawigan. Kailangan lamang na may hindi bababa sa isang taong serbisyo sa Pamahalaang Panlalawigan, local government unit o national government agency na nasa Quezon.

Samantala, direktang matatanggap ng mga STAN Strengthening Access to Education College Assistance Program scholars ang kanilang โ‚ฑ5,000 educational assistance sa pakikipagtulungan ng Land Bank of the Philippines.

Sa kabuuan, nasa 7,000 scholars ang libreng pinag-aaral ng Pamahalaang Panlalawigan, kabilang ang mga Indigenous Peoples scholars.

Ipinahayag din ni Gov. Tan ang isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan kasama ang Department of Science and Technology na pagtatatag ng ikalawang Philippine Science High School campus sa CALABARZON, na inaasahang magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga kabataang Quezonian na nais magpakadalubhasa sa science at technology.

๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป

Sa sektor ng agrikultura, binigyang-diin ni gobernador na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa dami ng ayudang naipamamahagi kundi sa kakayahan ng mga magsasaka, mangingisda at naghahayupan na maging mas produktibo, makapagsarili at maging matatag.

Kabilang sa mga inisyatiba ang OrangeAgri, isang online marketplace na nag-uugnay sa mga mamimili sa mga lokal at sariwang produkto mula sa mga magsasaka at mangingisda ng Quezon.

Patuloy rin umano mula 2022 ang mga programa para sa trabaho at kabuhayan ng ibaโ€™t ibang sektor sa lalawigan.

๐—œ๐—บ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ธ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ, ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ผ

Ipinunto rin ng gobernador ang maingat na paggamit ng pondo ng lalawigan para sa pagpapatayo at pagsasaayos ng mga ospital, paaralan, kalsada, tulay, water systems at iba pang pasilidad.

Sa pangangalaga sa kalikasan, isinagawa ang ridge-to-reef report ng Atimonan River Watershed bilang batayan sa pagbuo ng 10-year work and financial plan para sa proyekto.

Samantala, sinabi ni Gov. Tan na malaking yaman ng Quezon ang mga kabundukan, kapatagan, isla, kultura at pamanang maaaring magsilbing daan sa mas maraming oportunidad sa turismo at kabuhayan.

๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฎ, ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป

Ipinakita rin sa ulat ang kahandaan ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga bagyo at iba pang sakuna sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalakas ng disaster preparedness at response.

Sa loob naman ng apat na taon, sinabi ni Gov. Tan na inayos at muling itinayo ang mga pasilidad ng kapitolyo at isinulong ang pagbabago sa kultura ng pamamahala at serbisyo publiko.

Ayon sa gobernador, ang bawat proyektong itinatayo ay dapat magsilbing pundasyon ng pag-unlad, dagdag na oportunidad at daan tungo sa mas maginhawang buhay ng mga Quezonian.

Sa pagtatapos ng kanyang ulat, nangako si Tan na patuloy na itataas ng Pamahalaang Panlalawigan ang pamantayan ng serbisyo publiko.

Aniya, hindi dapat makuntento sa mga nagawa na lamang, kundi kailangang maglatag pa ng mas matitibay na programa, mas sustenableng solusyon at mas inklusibong hakbang upang matiyak na walang Quezonian ang maiiwan sa pag-unlad.

Binigyang-diin din ni Gov. Tan ang prinsipyo ng inklusibong pamamahala ng Pamahalaang Panlalawigan, anuman ang kulay, estado sa buhay, paniniwala, edad, kasarian, sektor o relihiyon.

Ayon sa gobernador, pinatunayan ng kanyang administrasyon na ang Kapitolyo ay bukas para sa lahat at ang bawat Quezonian ay may lugar sa mga programa at serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan.

Ang mga programa at inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Tanย ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng HEALING Agenda at Serbisyong Tunay At Natural (STAN) bilang gabay sa paghahatid ng serbisyong nakatuon sa kalusugan, edukasyon, kabuhayan, imprastraktura, kalikasan, turismo at mabuting pamamahala.ย 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright ยฉ 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved