Nagningning ang SM City Lucena sa makukulay na ilaw at mahiwagang dekorasyon ng Celestial Prisms matapos isagawa ang Christmas Tree Lighting Ceremony nitong Sabado, Oktubre 24, bilang hudyat ng pagsisimula ng pagdiriwang ng Pasko, 62 araw bago ang Disyembre 25.

Kabilang sa mga nakiisa ang Bureau of Fire Protection-Lucena, Philippine Coast Guard, PNP-Lucena, Girl Scouts of the Philippines-Lucena Council, Boy Scouts of the Philippines-Lucena Council, TOWSOL at TOG 4 Air Force, PENRO Quezon, CENRO Tayabas, Quezon Tourism Office, Lucena City Tourism Office at Lucena City General Services Office.

Nakibahagi rin ang Kiwanis Division 4C, Lucena City-Quezon Pharmacists Association, Interglobal School, Sacred Heart College, Hyong Hyang Institute of Technology Inc., Mayao Parada Agriculture Integrated School, at 1975 The Original.

Matapos ang pangongolekta, tinimbang ang mga basura sa designated collection area upang matukoy ang kabuuang dami ng nakolekta.

Tampok sa dekorasyon ang kinang ng mga bituin at kagandahan ng kalangitan na naglalayong maghatid ng kakaibang karanasan at masayang alaala sa mga mamimili at pamilyang bibisita sa mall ngayong holiday season.

Ayon kay SM City Lucena Mall Manager Engr. Russel Alegre, bahagi ito ng paglulunsad ng 12 Iconic Christmas Moments sa 91 SM malls sa buong bansa upang higit na bigyang-buhay ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng mga makukulay na dekorasyon, masasayang aktibidad, at mga karanasang maaaring pagsaluhan ng pamilya at magkakaibigan.

Dumalo sa seremonya ang mga kinatawan ng pamahalaang lungsod, kabilang si Marianne Yap-Gallardo, Officer-in-Charge ng Lucena City Tourism Office, na kumatawan kay Mayor Mark Alcala, gayundin si Engr. John Jason Terrenal, Senior Assistant Vice President of Operations ng SM South Division, mga kinatawan ng mall affiliates, media, at mga mamimili.

Binigyang-diin din sa pagdiriwang na higit sa naggagandahang ilaw at dekorasyon, ang tunay na mahika ng Pasko ay makikita sa kabutihang naibabahagi sa kapwa at sa mga sandaling pinagsasaluhan ng mga mahal sa buhay.

Sa pamamagitan ng temang Celestial Prisms, inaanyayahan ng SM City Lucena ang publiko na damhin ang diwa ng Kapaskuhan at lumikha ng mas makabuluhang alaala kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved