Nagtipon-tipon ang mga kababaihan mula sa iba’t ibang organisasyon sa SM City Lucena noong  Marso 21 para sa “Babae at Batas,” isang forum na nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa mga batas para sa kababaihan.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Integrated Bar of the Philippines – Quezon Chapter bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.

Layunin ng forum na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kababaihan ukol sa kanilang mga karapatan at mga umiiral na batas na nagpoprotekta sa kanila.

Bukod dito, nag-alok din ang mga abogado ng libreng legal consultation at notarization upang matulungan ang mga dumalong kalahok sa kanilang mga legal na pangangailangan.

Itinuturing ang aktibidad bilang mahalagang hakbang upang higit na mapalakas ang kamalayan at kakayahan ng kababaihan sa pagharap sa mga isyung legal at panlipunan.

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved