Pormal nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong opisyal ng Lady Local Legislators League–Quezon Chapter nitong ika-21 ng Abril, bilang hudyat ng panibagong yugto ng kanilang paglilingkod sa mamamayan.

Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang seremonya ng panunumpa, na bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mahusay at makataong pamamahala sa lalawigan ng Quezon. 

Labing-isang opisyal ang buong pusong tumanggap sa kanilang mga tungkulin, kalakip ang pangakong isusulong ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan sa pamamagitan ng tapat, mahusay, at may malasakit na pamumuno.

Itinalagang pangulo ng samahan si Bokal Vinnette Alcala-Naca ng ikalawang distrito, katuwang niya bilang vice president si Konsehal Atty. Sunshine Abcede-Llaga ng Lungsod ng Lucena. Itinalaga namang secretary si Vice Mayor Ginalyn Flores ng Polillo, habang si Konsehal Marife Hari ng Lucban ang magsisilbing treasurer.

Bilang auditor, itinalaga si Konsehal Winnie Villareal ng General Nakar, habang si Konsehal Raquel Mendoza ng Gumaca ang magsisilbing public relations officer.

Kasama naman sa Board of Directors sina Vice Mayor Teresita Villeno ng Sampaloc, Konsehal Baby Jean Bantucan ng Patnanungan, Konsehal Maria Lourdes Bernadette Liwanag ng Candelaria, Konsehal May Sampaya Sales ng San Antonio, Vice Mayor Melaica Manalo Batarino at Konsehal Myra Gunay Fortuni ng General Luna, Konsehal K-Sy. R. Avila Formaran ng Macalelon, Konsehal Cynthia Reyes Eduarte ng Calauag, at Konsehal Elizabeth Uy Sio ng Lucena.

Ayon sa mga opisyal, magsisilbi silang katuwang sa higit pang pagpapatibay ng mga adhikain ng Lady Local Legislators’ League of the Philippines, Inc. – Quezon Chapter, lalo na sa pagsusulong ng mga batas at programang nakatuon sa kapakanan ng kababaihan, pamilya, at iba pang sektor ng lipunan.

Ang panunumpang ito ay sumisimbolo sa panibagong mandato ng mga kababaihang mambabatas sa lalawigan, na patuloy na magiging sandigan sa pagsusulong ng makabuluhang pagbabago at serbisyong tunay para sa bawat Quezonian.

Photos courtesy of the Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved