Pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO, sa pamumuno ni Ms. Sonia S. Leyson, at sa pakikipagtulungan ng Council for the Welfare of Children o CWC, ang province-wide orientation on Child Budget and Expenditure Tagging and Tracking o CBETT nitong Abril 21, 2026 sa 3rd Floor Conference Hall ng Capitol Building.

Bitbit ang temang “Putting Children at the Heart of Public Finance,” layunin ng aktibidad na tiyakin ang maayos na pagtukoy, pagsubaybay, at wastong paggamit ng pondong inilaan para sa kapakanan at kagalingan ng mga bata sa lalawigan.

Dumalo sa naturang pagtitipon sina Quezon Governor Doktora Helen Tan, Provincial Administrator Manny Butardo, CWC Undersecretary at Executive Director Angelo M. Tapales, DILG Quezon Provincial Director Abigail Andres, Financial Analyst IV Radel S. Vergara, BLGF IV-A Regional Director Marilou Cañete, UNICEF Philippines Chief of Social Policy Maya Faisal, at CWC Division Chief Elino L. Bardillon.

Ayon sa CWC at UNICEF, ang CBETT ay isang mahalagang kasangkapan upang masubaybayan kung paano ginagamit ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang pondo para sa mga programang nakatuon sa mga bata, bilang bahagi ng pagpapalakas ng child-responsive budgeting sa buong bansa.  

Sa nasabing okasyon, pinarangalan din ng Seal of Child-Friendly Local Governance o SCFLG ang lungsod ng Tayabas at mga bayan ng Unisan, Polillo, Lopez, Pagbilao, Infanta, San Antonio, Padre Burgos, Panukulan, Gumaca, Candelaria, Real, Dolores, Sampaloc, Mauban, at Quezon.

Namukod-tangi ang bayan ng Macalelon matapos makapagtala ng pinakamataas na rating na 98.75 porsyento, at kinilala rin bilang isang Regional Awardee.

Kaugnay nito, patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ang mga programang tumutugon sa child-friendly governance, kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga LGU sa bansa na kinikilalang child-friendly, ayon sa CWC.  

Tinalakay rin sa pagpupulong ang iba’t ibang paksa kabilang ang public finance management for children, presentasyon ng CWC-DBM-DILG-BLGF Joint Memorandum Circular No. 2025-01, overview ng CBETT tool, at pagbabahagi ng Quezon Province at bayan ng San Antonio sa kanilang mga best practices.

Nagtapos ang aktibidad sa isang open forum at dialogue hinggil sa PF4C Strategic Plan targets at schedules para sa taong 2026, gayundin ang action planning para sa patuloy na pagpapatibay ng mga programang pambata sa lalawigan ng Quezon.

 

Photos courtesy of the Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved