Nilinaw ni Pagbilao Vice Mayor Walter โ€œWallyโ€ Dapla ang usapin kaugnay ng pagkaantala ng pagbibigay ng ayuda o fuel subsidy para sa transport sector sa bayan ng Pagbilao, kasunod ng patuloy na pag-aalala ng mga jeepney at tricycle operators at drivers.

Sa kanyang pahayag matapos pangunahan bilang Presiding Officer ang ika-42 Regular Session ng ika-12 Sangguniang Bayan nitong Martes, Abril 28, 2026, sinabi ni Dapla na sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatalakay ang Supplemental Budget No. 3 sa ilalim ng General Fund, kung saan nakapaloob ang pondong inilaan para sa fuel subsidy ng transport sector.

Ayon sa bise alkalde, sa isinagawang Question Hour ay lumabas na marami pang kailangang rebisahin sa Supplemental Budget No. 2, dahilan upang maantala rin ang pagdinig sa Supplemental Budget No. 3.

โ€œWala pa ring natatanggap ang Sangguniang Bayan na Proposed Executive Supplemental Budget No. 3 para sa taong ito sapagkat sa kasalukuyan ay dinidinig pa ang Supplemental Budget No. 2,โ€ ani Dapla.

Binigyang-diin din niya na hindi hadlang ang Sangguniang Bayan sa anumang programang makatutulong sa mamamayan, lalo na sa mga tsuper at operator na lubhang apektado ng patuloy na krisis sa presyo ng langis.

Nagsimula ang krisis noong Pebrero 28 kasabay ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, na nagbunsod sa pambansang pamahalaan na magpatupad ng fuel subsidy program para sa mga public utility vehicle at iba pang sektor ng transportasyon. Ayon sa mga ulat, nagsimula ang rollout ng subsidiya sa ibaโ€™t ibang bahagi ng bansa noong Abril at patuloy pang pinalalawak ng pamahalaan.

Matatandaang noong Marso 10 ay naghain si Konsehal Jeff Tiรฑana ng resolusyon na humihiling sa Punong Bayan na magbigay ng assistance sa mga jeepney at tricycle operators, na agad namang naaprubahan noong Marso 17 sa loob lamang ng isang session.

Sinundan ito noong Marso 24 ng panibagong resolusyon na inihain ni Konsehal Martinez para sa ayuda ng mga magsasaka at mangingisda, na mabilis ding naaprubahan.

Samantala, nilinaw rin ni Dapla ang naging isyu sa planong tigil-pasada noong Abril 13, kung saan pinangakuan umano ang transport sector na maibibigay ang ayuda pagsapit ng Abril 18.

Aniya, ang naturang usapin ay pormal lamang na binuksan noong Abril 16 sa isinagawang LDRRM Council Meeting.

โ€œBukas ang proseso ng ating pagdinig sa ganitong mahahalagang usapin at hindi kami magpapabaya sa aming sinumpaang tungkulin,โ€ dagdag pa niya.

Patuloy namang umaasa ang mga miyembro ng transport sector na maipagkakaloob sa kanila ang matagal nang hinihintay na fuel subsidy mula sa lokal na pamahalaan.

ย 

Photos Courtesy ofย  WallyDapla official facebook page

ย 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright ยฉ 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved