Panoorin ang mga naging kaganapan sa isinagawang pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng ating bansang Pilipinas ngayong Hunyo 12, na may temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.”
Sa kauna-unahang pagkakataon, pormal nang itinalaga bilang insurgency-free para sa taong 2026 ang Region 4A – CALABARZON sa pamamagitan ng Stable Internal Peace and Security (SIPS) Seal Awarding Declaration at Renewal ng SIPS Commitment for the CALABARZON Provinces, na ginanap sa Quezon Convention Center, Lucena City.
Kasabay ng paggunita sa makasaysayang araw na ito, pinangunahan nina DILG Secretary Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla Jr. at Quezon Governor Doktora Helen Tan, Chairperson ng Regional Peace and Order Council CALABARZON, kasama ang iba pang panauhing pandangal at opisyal ng pamahalaan, ang paggagawad ng SIPS Seal sa mga lalawigang bumubuo sa CALABARZON.
Isang makabuluhang araw ng paggunita, pagkilala, at panibagong pangako para sa kapayapaan, kalayaan, at kinabukasan ng rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved