Nagtungo sa tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) si Quezon Governor Doktora Helen Tan nitong Huwebes, Hulyo 2, upang isulong ang mga prayoridad na programa at proyektong magbibigay ng mas malaking benepisyo sa mga mamamayan ng lalawigan.

Kasama ng gobernador sa pagpupulong sina Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) Head at Deputy Chief of Staff John Francis Luzano at Executive Assistant Atty. Mervin Angelo Manalo.

Sa isinagawang talakayan, tinalakay ang mga pangunahing programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, kabilang ang mga polisiyang may kaugnayan sa pagbibigay ng insentibo sa mga health worker sa ilalim ng Yakap Program.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, layunin ng mga hakbang na ito na higit pang mapalakas ang suporta sa mga frontliner at matiyak ang patuloy na paghahatid ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga Quezonian.

Binigyang-diin din na sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga pambansang ahensya, nananatiling nakatuon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagsasakatuparan ng mga programang magpapabuti sa kalidad ng buhay ng bawat Quezonian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved