Inimbitahan ng Aboitiz Power ang mga opisyal ng Quezon Media Sports Club (QMSC) sa kanilang main office sa Ortigas Center upang talakayin ang mga paghahanda at mahahalagang detalye para sa gaganaping Sports Clinic and Sports Fest sa Agosto 21–22.

Pinangunahan ang pulong nina QMSC President Gemi Formaran at Vice President Ylou Dagos, kasama ang iba pang mga opisyal ng organisasyon.

Mainit na tinanggap ng Aboitiz Power ang delegasyon ng QMSC sa pangunguna nina Lito Morta, Regional Chief Operating Officer; Lou Jason Deligencia, Assistant Vice President for Corporate Services; Lorenz de Castro, Chief HR and Corporate Officer; Kirk Coronel, Reputation and Stakeholder Management Manager; at JK Huyatid, Corporate Affairs Manager.

Nagpahayag ang magkabilang panig ng kanilang buong suporta at kooperasyon upang matiyak ang matagumpay na pagsasagawa ng Sports Clinic at Sports Fest na magpapalakas ng pagkakaisa, sportsmanship, at samahan sa hanay ng media practitioners sa Quezon Province.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved