Arestado ang isang 17-anyos na lalaki at 23-anyos na babae matapos umanong tumakas sa mga pulis na nagsasagawa ng anti-carnapping operation sa By Pass Road, Barangay Ibabang Iyam, Lucena City, alas-10 ng gabi noong Setyembre 30.

Ayon sa PHPT Quezon, sinita ang mga suspek dahil sa umano’y hindi pagsusuot ng awtorisadong helmet. Sa halip na huminto, tumakas umano ang driver hanggang sa maaresto.

Narekober sa isinagawang search ang limang sachet ng hinihinalang marijuana.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 10054, Article 151 ng Revised Penal Code, at Section 11 ng RA 9165. Nasa kustodiya sila ng PHPT Quezon habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved