PAGBILAO, QUEZON — Patuloy na sinusuportahan ng Therma Luzon, Inc. (TLI), isang subsidiary ng Aboitiz Power Corporation (AboitizPower), ang mga mag-aaral sa Pagbilao, Quezon Province sa pamamagitan ng kanilang High School Financial Assistance Program.
Ipinagkaloob
ang educational assistance noong ika-2 ng Oktubre 2026 sa 20 mag-aaral ng Grade
11 at 12 mula sa Pagbilao Grande Island National High School (PGINHS),
Silangang Malicboy National High School (SMNHS), Talipan National High School
(TNHS), Pagbilao National High School (PNHS), at Quezon Science High School
(QSHS).
“Makakatulong
po ito sa akin hindi lang para sa pang-araw-araw na pangangailangan, kundi pati
na rin po sa mga gastusin tulad po ng mga sunod-sunod na project sa iba’t ibang
asignatura,” ani Jasojaso.
Ayon
naman kay TLI Assistant Vice President for Corporate Services Lou Jason
Deligencia, ang programa ay sumasalamin sa adbokasiya ng kumpanya na tulungan
ang mga mag-aaral na maipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa kabila ng mga
hamong pinansyal.
“Isa
po ang high school scholarship program bilang pasasalamat namin, at bahagi rin
po ito ng responsibilidad naming makatulong na maging pantay-pantay ang access
sa magandang edukasyon. Sana po ay makatulong ang programang ito upang lalo
ninyong pahalagahan ang inyong pag-aaral sa high school, makatungtong sa
kolehiyo, at unti-unting maiahon ang buhay ng inyong mga pamilya,” ani
Deligencia.
Nagpasalamat
naman si Assistant Schools Division Superintendent Dr. Aris Barrago sa TLI para
sa patuloy nitong pagsuporta. Hinikayat din niya ang mga iskolar na huwag
sayangin ang pagkakataong ibinigay, mag-aral nang mabuti, at gamitin ang
assistance sa responsableng paraan.
Bukod
sa High School Financial Assistance Program, patuloy na naghahatid ng suporta
ang TLI sa mga mag-aaral pagtuntong nila sa mas mataas na antas ng edukasyon.
Taon-taon, ang kanilang College Scholarship Program ay tumutulong sa 15 iskolar
mula sa South Luzon State University (SLSU), na kumukuha ng mga priority
programs katulad ng Accountancy, Electrical Engineering, Mechanical
Engineering, Civil Engineering, at Electronics and Communications Engineering.
Sa
ika-12 na taon nito, ang programa ay nagsilbing mahalagang bahagi ng CSR para
sa komunidad ng Pagbilao. Kasabay nito, mayroon ding mga inisyatiba ang TLI
para sa kabuhayan, kalusugan, kapaligiran, at paghahanda sa sakuna, bilang
pagtugon sa pangangailangang natukoy mula sa pakikipagtulungan sa mga lokal na
komunidad at mga katuwang.
