Dinagsa ng mga mamimili at mallgoers ang pagdiriwang ng Chinese New Year sa SM City Lucena kung saan itinampok ang makulay at masiglang dragon at lion dance performance.
 
Suot ang matingkad na kasuotan ng dragon at leon, buong husay na umindak ang mga performer sa saliw ng malalakas na tambol at nag-uumpugang cymbals.
 
Naging tampok ang interaksyon ng lion dancers sa mga manonood, na sinasabing sumisimbolo ng suwerte, kasaganaan at kaligayahan para sa bagong taon.
 
Makikita ang labis na kasiyahan sa mukha ng mga bata at matatanda na nakiisa sa selebrasyon. Lalo pang nadagdagan ang sigla ng okasyon sa pagbisita ng God of Wealth upang magbigay ng tinaguriang golden blessings. Binigyan din ng pagkakataon ang mga shopper na makapagpa-picture kasama ang nasabing karakter.
 
Bukod sa dragon at lion dance, nasaksihan din ng mga dumalo ang makulay na Chinese Ribbon Dance na lalong nagbigay-buhay sa pagdiriwang at nagpatingkad sa diwa ng pag-asa at panibagong simula ngayong Chinese New Year.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved