Nakipagpulong nitong Miyerkules, Marso 25 si Governor Doktora Helen Tan sa Southern Luzon State University (SLSU)–Lucban upang talakayin ang posibleng pagpapalawak ng mga medical course sa nasabing pamantasan.
Kabilang sa mga kursong nais pang palawakin ang Speech Therapy at Occupational Therapy, upang mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga estudyanteng Quezonian na nagnanais kumuha ng mga kursong may kaugnayan sa serbisyong pangkalusugan.
Layunin ng hakbang na mas mailapit sa mga mag-aaral sa lalawigan ang mga specialized medical programs nang hindi na kinakailangang lumayo pa sa ibang lugar.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, patuloy ang pakikipagbalikatan sa SLSU upang higit pang mapalakas ang kalidad ng edukasyon sa Quezon at mapalawak ang mga oportunidad para sa kabataan