Personal na nagtungo sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon nitong Abril 21, 2026 ang mga kinatawan mula sa Board of Investments (BOI) at Atimonan Windkraft Corporation upang makipagpulong kay Governor Doktora Helen Tan kaugnay ng nakatakdang pagpapatupad ng Quezon Wind Power Project sa lalawigan.
Sa naturang pagpupulong, pormal na iprinisenta ng korporasyon ang proyekto na kasalukuyang nasa development stage pa lamang.
Ayon sa kanilang presentasyon, bubuuin ito ng labing tatlong (13) wind turbines na inaasahang makapagbibigay ng kabuuang 100 megawatts (MW) ng kuryente, isang mahalagang dagdag sa suplay ng malinis at renewable energy sa Luzon grid.
Batay sa mga ulat, ang proyekto ay nakatakdang itayo sa bayan ng Atimonan at sumasaklaw sa ilang barangay kabilang ang Balugohin, Sokol, Rizal, Caridad Ibaba at Ilaya, Villa Ibaba at Villa Ilaya. Nasa yugto pa ito ng mga kinakailangang pag-aaral at public scoping bilang bahagi ng environmental at regulatory requirements.
Photos courtesy of the Provincial Government of Quezon
