Nasa 2,232 college students mula sa Ikalawang Distrito ng Quezon, gayundin sa mga bayan ng Agdangan at Padre Burgos, ang tumanggap ng educational assistance sa ilalim ng Strengthening Access to Education College Assistance Program o STAN-C ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay isinagawa ngayong araw, Mayo 11, 2026, sa Quezon Convention Center, Lungsod ng Lucena. Pinangunahan ito ni Governor Doktora Helen Tan, kasama sina Vice Governor Third Alcala, Bokal Doc Kim Tan, Bokal Vinnette Alcala, at Bokal Aileen Malabanan.

Layunin ng programa na makatulong sa mga kabataang Quezonian na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagbawas sa pinansyal na pasanin ng kanilang mga pamilya, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa edukasyon.

Binigyang-diin ni Governor Tan na mahalaga ang patuloy na suporta sa edukasyon upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang mga kabataan sa lalawigan. Aniya, nais ng Pamahalaang Panlalawigan na matiyak na may sapat na tulong na matatanggap ang mga mag-aaral upang mas marami pa ang makapagtapos ng kolehiyo at maabot ang kanilang mga pangarap.

Lubos namang nagpasalamat ang mga benepisyaryo sa programang STAN-C, na anila’y malaking tulong sa kanilang matrikula, proyekto, at iba pang pangangailangan sa paaralan.

Photos courtesy of Doktora Helen Tan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved