Kinilala ang SM City Lucena, kasama ang SM Store at SM Supermarket, bilang kabilang sa Top Business Taxpayers ng Lucena City sa ginanap na awarding ceremony para sa 65th Charter Anniversary at Linggo ng Lucena noong Agosto 20, 2026.
Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na ambag ng SM City Lucena sa paglago ng ekonomiya ng lungsod, partikular sa pamamagitan ng responsableng pagtupad sa mga obligasyong buwis at pakikiisa sa mga programang naglalayong palakasin ang lokal na komunidad.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang SM City Lucena sa Pamahalaang Panlungsod ng Lucena at kay Mayor Mark Alcala para sa makabuluhang pagkilalang ito.
Ayon sa SM City Lucena, patuloy silang nakikiisa sa pamahalaang lungsod sa pagsusulong ng isang mas maunlad, mas matatag at mas progresibong Lungsod ng Lucena.
Ang pagkilala sa mga nangungunang nagbabayad ng buwis ay nagpapakita rin ng mahalagang papel ng pribadong sektor sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya at sa pagpapatuloy ng mga serbisyong pampubliko para sa mga mamamayan.
