Nakipagpulong si Governor Doktora Helen Tan kay Department of Health (DOH) Secretary Dr. Edwin Mercado nitong Miyerkules, Agosto 26, upang talakayin ang mga hakbang para higit pang mapalakas at mapaunlad ang sistemang pangkalusugan sa lalawigan.

Kasama ni Governor Tan sa pagpupulong si Provincial Health Officer II Dr. Kristin Mae-Jean Villaseñor, kung saan tinalakay ang patuloy na pagpapabuti ng mga serbisyong pangkalusugan, gayundin ang pagpapatupad at pagpapalawak ng mga proyekto, programa at inisyatibang nakatuon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Binigyang-diin sa pagpupulong ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas accessible, episyente at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan, lalo na para sa mga komunidad na higit na nangangailangan ng suporta at serbisyo.

Layunin ng pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at DOH na higit pang mapalakas ang koordinasyon sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan upang matiyak na ang mga ito ay tunay na tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Sa pamamagitan ng mas matibay na ugnayan ng dalawang ahensya, inaasahang mas mapauunlad pa ang serbisyong pangkalusugan at maihatid ang mas maayos at de-kalidad na pangangalaga sa bawat Quezonian.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved