Nakamit ng Public Employment Service Office (PESO) ng Mauban ang parangal na Best PESO sa First-Class Municipality Category sa 2025 Nationwide Search for the Best PESO Awards, na kinilala ang mga programa at serbisyong ipinagkakaloob nito sa paghahanap ng trabaho at pagpapalawak ng oportunidad sa kabuhayan.

Iginawad ang parangal noong Oktubre 14, 2026, sa ika-26 na National PESO Congress na ginanap sa JPark Island Resort & Waterpark sa Mactan, Lapu-Lapu City, Cebu na personal na dinaluhan nina Mauban Mayor Erwin Pastrana at PESO Manager Maricon Pastrana Arenas.

Ayon kay Mayor Pastrana, makasaysayan ang tagumpay dahil ang PESO Mauban ang kauna-unahang nominado at nagwagi mula sa lalawigan ng Quezon sa naturang pambansang parangal.

Naging katuwang ng PESO Mauban ang Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office IV-A sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong palawakin ang access ng mga Maubanin sa mga oportunidad sa trabaho at kabuhayan.

Ang pagkilalang ito ay iniuugnay ng lokal na pamahalaan sa sama-samang pagsisikap ng PESO team at ng munisipalidad upang maitaguyod ang serbisyong pang-empleyo at matulungan ang mga mamamayan na magkaroon ng mas maraming oportunidad na mapagkukunan ng kita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved