Patay ang dalawang rider at sugatan ang angkas sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Brgy. Sibulan, Polillo, Quezon, kagabi.
Base sa imbestigasyon, papuntang Brgy. Tamulaya si alyas Ronel sakay sa motorsiklo at angkas niya na si alyas Reymark.
 
Pagdating sa nasabing lugar ay nag-overshoot ang motorsiklo na minamaneho naman ni alyas Julius mula sa kabilang lane na papunta naman sa town proper ng Polillo.
 
Hindi na nakagawang umiwas kaya naman harapang nagsalpukan ang dalawang motorsiklo.
 
Sa lakas ng impact, wasak ang dalawang motorsiklo at nagtamo naman ng mga sugat ang mga sakay nito.
 
Naisugod pa sila ng mga rescuer sa ospital ngunit dead on arrival ang dalawang rider habang sugatan naman ang angkas at patuloy pang nagpapagaling.
 
Napag-alaman din na walang suot na helmet ang tatlo at parehong walang lisensya ang dalawang rider.
 
Patuloy pa ang isinasagwang imbestigasyon ng mga pulis kaugnay sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved